^

Dr. Love

Kaibigan ang hanap

-

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa marami ninyong taga­hanga. Itago n’yo na lang ako sa pangalang Ramon. Lumiham ako para humingi ng tulong na magkaroon ng mga kaibigan, na tutulong sa aking pagpapakabuti dito sa kulungan. Malungkot po dito, lalo na sa gaya ko na walang dalaw. Tinalikuran na ako ng lahat.

Nag-aaral na ako ngayon dito sa loob ng kursong komersiyo major in marketing and management. Umaasa akong mapagbibigyan ninyo ang hiling ko, Dr. Love.

Maraming salamat at sana’y magpatuloy pa ang maganda ninyong pitak.

Lubos na umaasa,

Ramon

N 208P  - 3223

4-D College Dorm

MSC Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Ramon,

Malungkot talaga ang nakakulong. Pero ang lahat na pinagdaraanan mo ngayon ay bahagi ng sistemang penal para sa nagkasala. Huwag mong ipagdamdam kung hindi ka nadadalaw ng iyong pamilya, marahil, pinagtatanda ka nila. 

Hindi ka naman nag-iisa. Magdasal ka lagi para sa patnubay na kailangan mo sa iyong pagbabagong-buhay. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral para sa sariling kaunlaran ng iyong isipan. Nawa’y makamit mo ang hangad na mga kaibigan bilang kaagapay.

Dr. Love 

vuukle comment

CAMP SAMPAGUITA

D COLLEGE DORM

DEAR RAMON

DR. LOVE

HUWAG

IPAGPATULOY

ISA

ITAGO

LUBOS

MALUNGKOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with