^

Dr. Love

Wala nang init sa sex

-

Dear Dr. Love,

Ang aking mainit na pagbati sa iyo at sa lahat nang suki ng Dr. Love. Pakiusap ko lang ay itago mo sa alyas na Aliyah, may asawa at isang anak.

Problema ko ang napapansing kawalan ng init ng aking asawa tuwing kami ay nagtatalik. Hirap na hirap na rin siyang makaraos. May pagkakataon na ikinagagalit niya ito kung kaya ang pinakamasayang sandali namin sa isa’t isa ay nauuwi sa pag-aaway.

Hindi naman po ako mapaghanap dahil kon­tento na ako na masaya ang aming pamilya. Pero batid ko pong big deal ito sa aking asawa. Nais ko pong malaman kung ano ang posibleng problema niya at kung may paraan ba para maremedyuhan ito?

Aliyah

Dear Aliyah,

Kabilang sa pangkaraniwang dahilan kung kaya nanamlay ang isang lalaki sa pakikipag­talik ay ang pagkakaroon ng sakit na diabetes. Naaapektuhan kasi ng sakit na ito ang sirkulas­yon ng dugo kaya posibleng manlupaypay ang lalaki sa panahon ng pagtatalik.

Ang pinakamabuti mong magagawa ay ikonsulta sa doctor ang nararamdamang sinto­mas ng iyong asawa para malaman mo ang estado nito at magawa agad ang kaukulang hak­bang para ito ay maagapan. At hindi tulu­yang makapinsala sa kanyang mga vital organs.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR ALIYAH

DR. LOVE

HIRAP

KABILANG

NAAAPEKTUHAN

PAKIUSAP

PERO

PROBLEMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with