^

Dr. Love

Nag-'buy one, take one'

-

Dear Dr. Love,

Kumusta Dr. Love. Una sa lahat ay isang pinagpalang araw sa iyo at sa lahat ng tagasubaybay ng iyong kolum. Tawagin mo na lang akong Roldan.

Sa edad kong 41 ay nakapag-asawa ako ng 19-anyos na magandang dalaga.

Hindi ako guwapo pero mayaman ako. Ang negosyo ko ay restaurant.

Madali ko ring nakuha ang misis ko. Isang linggo lang matapos kong makilala ay sinagot na kaagad ako.

Isang taon na kaming kasal ngayon at buntis siya sa una naming anak.

Ang napansin ko sa kanya ay isip bata siya. Hindi niya ginagawa ang responsibilidad ng isang asawa. Para siyang dalaga na mahilig sa gimmick at barkada kahit buntis na siya.

Para tuloy akong nagsisisi sa pag-aasawa sa isang bata. Ano ang dapat kong gawin. Maituwid ko pa kaya ang kanyang ugali?

Roldan

Dear Roldan,

Nagpakasal ka sa isang sobrang bata kaya iyan ang napala mo. Para kang nag-buy-one-take-one. May asawa ka na at anak pa. Siya naman ay may mister na at tatay pa!

Ano pa’ng magagawa mo kundi harapin ang iyong kapalaran. Kung sa pagtutuwid sa ugali ng iyong asawa, puwede sigurong gawin iyan. Kaso mag-aasal tatay ka sa iyong asawa.

Pero hindi mo na siya puwedeng itapon dahil kasal ka na sa kanya, maliban na lang kung magpa-pa-annul ka.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

vuukle comment

ANO

DEAR ROLDAN

DR. LOVE

ISANG

KASO

MADALI

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with