^

Dr. Love

Kay ilap ng kaligayahan

-

Dear Dr. Love,

Mula po pagkabata, ang damdam ko, talagang mailap sa akin ang kaligayahan.

Mula sa isang pamilyang mahirap, pinagsikapan ko pong makahulagpos sa kawawang kalagayan sa buhay. Ito ang nag-udyok sa akin para lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran.   

Napasok naman ako bilang isang waiter sa Hard Rock Café sa Makati City. Naging masigasig ako sa trabaho sa pag-asang abot-kamay ko na ang inaasam kong pagbabangon sa pobreng kalagayan.

Sa trabaho ko nakilala ang isang babaeng customer, si Sheila Mae.

Palaging malaki ang tip na bigay niya sa akin. Na-love at first sight agad ako sa kanya.

For a time, nagtagal na hindi siya nakapasyal sa pinagtatrabahuhan ko. Nang bigla siyang sumipot, noong Pebrero 14, 2008, dahil sa pananabik sa kanya, kaagad akong lumapit. Nagbigay ako ng short note ng pagbati para sa Valentine’s Day.

Sumagot siya ng short note din, kasama ang cellphone number niya. Mula noon, textmate ko na siya.

Hindi nagtagal, pareho kaming nagkaroon ng mataos na pagmamahal sa isa’t isa hanggang sa tumira na siya sa boarding house ko.

Humigit-kumulang sa isang taon at dalawang buwan kaming nagsama. Ang akala ko na naman, higit na lumapit at umamo sa akin ang kaligayahan.

Nagpaplano na sana kaming pakasal nang dumating ang hindi ko inaasahang pangyayari at trahedya sa aking buhay.

Umuwi ako noong minsan ng alas-tres ng madaling-araw. Sa hindi ko malamang dahilan, tila kinakabahan ako.

Pagpasok ko sa aming tirahan, nakita kong nakahandusay si Sheila Mae sa living room. Duguan siya.

Hindi ako nagdalawang-isip. Binuhat ko siya at dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Pero sinabi ng mga doktor na patay na si Sheila Mae.

Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko. Umiiyak na ako. Hindi ko matanggap na patay na ang aking si Sheila.

Ang pinakamasakit pa nito, dinala ako ng mga imbestigador sa police station at doon ay pilit na pinaaamin na ako ang pumatay kay Sheila.

Hanggang sa nalipat na nga ako sa pambansang bilangguan. Alam ng Panginoong Diyos na wala akong kasalanan.

Hanggang ngayon ay naghihintay pa ako ng desisyon para sa aking kalayaan. Nais ko po sanang bigyan ninyo ako ng payo kung ano ang dapat kong gawin sa buhay ko. At kung maaari rin sana, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Peter Paul Valencia

Medium Security Compound,

Student Dorm 238,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Peter,

Medyo may kalabuan ang prosesong legal na isinalaysay mo. Nagkaroon ba ng paglilitis sa kaso mo kaya ka napalipat sa pambansang bilangguan?

Anyways, makabubuting sumangguni kang mabuti sa abogado mo hinggil sa sinasabi mong hinihintay mong paglaya mo.

Nakatikim ka ng kaligayahan nang magkaroon ka ng trabaho at nang makilala mo at mapaibig ang babaeng minahal mo.

Nagkaroon ka ng kalungkutan nang mamatay si Sheila Mae at nang makulong ka sa sinasabi mong hindi mo naman ginawang kasalanan.

Iyan ang hamon ng buhay. Kapag nalampasan mong lahat iyan, makakatikim ka ng ganap na kaligayahan.

Kahit sa mumunting bagay na nagagawa mo sa kabila ng hirap, nakakalasap ka ng tuwa at ligaya. At iyan ang dapat na ipagpasalamat nating nilalang.

Ipagpatuloy mo ang pagsisikap para makahulagpos sa hirap at gawin mo ang nararapat para malusutan mo ang krimeng ibinibintang sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CAMP SAMPAGUITA

DEAR PETER

DR. LOVE

HANGGANG

HARD ROCK CAF

MAKATI CITY

MULA

SHEILA MAE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with