^

Dr. Love

No choice

-

Dear Dr. Love,

Isang masaganang pagbati sa inyo at sa lahat ninyong kasamahan sa Pilipino Star NGAYON.

Ako po si Nogie Quillon, 35 years-old at hanggang ngayon ay binata pa.

Bagaman binata pa, ako noon ay nagkaroon ng isang babaeng minahal nang labis at kung hindi nga lang sinamang palad, nagkaroon sana kami ng supling.

Live-in partner ko po ang tinutukoy kong babaeng ito. Nagdalang- tao siya pero naging delikado ang kanyang kalagayan sa pagdadalang-taong ito.

Alam ko pong mahal din niya ako dahil kahit alam niyang delikado sa kanyang kalusugan ang magdalang-tao, nais niyang mapagbigyan ang aking pagnanais na magkaroon kami ng supling.

Dahil sa delikado niyang kalagayan, kailangan niyang pumailalim sa operasyon. Pero ang malaking halagang gagamitin para sa operasyon ay wala ako.

No choice ako noon. Hindi ko alam kung saan ako dudukot ng pera para maipaopera ang mahal ko.

Kaya napilitan akong mang-holdup. Alam ko pong masama ang ginawa kong ito. Pero wala akong malapitang ibang magpapahiram ng salapi.

Sa kabila ng pagtanggi ng aking isipan na gumawa ng masama, sapilitan akong gumawa ng paraan para mailigtas sa tiyak na kamatayan ang aking asawa.

Subali’t nabigo ako dahil hindi rin nakaligtas ang mahal ko at gayundin ang dinadala niyang sanggol sa sinapupunan.

Ang iyak ko noon. Alam kong ginawa ko ang lahat na paraan para lang siya mailigtas sa kamatayan.

Ang masaklap pa nito, namatay na nga ang aking asawa at anak, naaresto pa ako sa ginawa kong krimen.

Nasadlak ako dito sa piitan. Sa kasalukuyan, pilit kong kinakalimutan ang nangyaring trahedya sa aking buhay.

Para malimot ko ang mapait kong karanasang ito, nagpasya akong mag-aral. Kung busy ako sa pag-aaral, ang malungkot na pagkamatay ng aking live-in partner at aming anak ay pansamantalang hindi sumasagi sa isipan.

Sana po, sa pamamagitan ng column ninyong ito, magkaroon ako ng mga kasulatan at kaibigan para maibsan ang dinadala kong lungkot.

Marami pong salamat sa sana,  lumawig pa ang pitak ninyong Dr. Love para marami pa kayong matulungang tulad ko na may malaking problema.

Gumagalang,

Nogie Quillon

1-D College Dorm,

YRC Bldg., Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776

Dear Nogie,

Ang dinanas mong malungkot na karanasan ay bahagi lamang ng mga hamon sa buhay na kinakaharap nating mga nilalang.

Kung minsan, kailangan nating dumanas ng lungkot para makita natin ang kaibahan nito sa kaligayahan.

Malimit ding tagapagpagunita lamang ito na mayroon tayong obligasyon sa Diyos at tao at ang pagtupad sa mga obligasyong ito ay hindi dapat na maging daan para talikdan ang kabutihan at kung ano ang wasto at tama.

Sa kaso mo, alam mong mali ang ginawa mong pangho-holdup pero sa kagustuhan mong mailigtas sa kamatayan ang asawa mo at anak, ginawa mo ito at nasadlak ka nga sa bilangguan.

Tiyak kong humingi ka na ng kapatawaran sa Diyos sa masama mong ginawa at bahagi nito ang pagpapailalim mo sa rehabilitasyon diyan sa piitan.

Sana, pagbutihin mo ang pag-aaral diyan para magkaroon ka ng mas magandang transang makahanap ng trabaho sa sandaling lumaya ka na.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

CAMP SAMPAGUITA

D COLLEGE DORM

DEAR NOGIE

DR. LOVE

KONG

NOGIE QUILLON

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with