^

Dr. Love

My old flame

-

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati ang ipinararating ko sa iyo at sa mga masusugid mong tagasubaybay.

My name is Amy, 34-anyos at may asawa. Gusto ko lang i-share ang aking love story.

Bago ako nag-asawa noong   2005, may naging boyfriend ako. Tawagin mo na lang siyang Paulo.

May limang buwan din kaming nagkarelasyon. Nagmahalan kami at akala ko ay siya na ang makakatuluyan ko. Pero naglaho siyang parang bula. Masakit ang nangyaring iyon para sa akin. Hanggang sa makilala ko ang aking mister ngayon. Ipinakilala siya sa akin ng isang officemate. Nanligaw siya sa akin at dahil malungkot ako nang mga panahong yaon, sinagot ko siya. Mabilis ang mga pangyayari. Kahit wala akong nararam­damang pag-ibig sa kanya ay sinagot ko siya.

Nang yayain akong magpakasal ay agad akong umoo. Nakasal kami at hindi naman ako nagsisi dahil mabait siya. Maski papaano’y natutuhan ko siyang mahalin. Nagkaroon kami ng tatlong anak.

Pero nitong nakalipas na isang buwan, muli kaming nagtagpo ni Joey. May asawa na rin siya pero damdam ko’y mahal ko pa rin siya at mahal pa rin niya ako.  

Nagpapaghiwatig siya na magkabalikan kami. Hindi raw siya maligaya sa piling ng misis niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Tulungan mo po ako.

Amy

Dear Amy,

Hindi mo alam ang isasagot mo? Dalawang kataga lang. Ayaw ko, o kaya umalis ka diyan.

Amy, huwag kang magpalinlang sa damdamin mo. May asawa ka na at masaya ang iyong pamilya. Alang-alang man lang sa iyong mga anak ay iwasan mo ang lalaking iyan.

Nabigo ka na sa kanya nung unang iwanan ka niya. Huwag ka nang magpaloko muli dahil marami na ang madadamay. Ang asawa’t anak mo at ang pamilya niya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

DALAWANG

DEAR AMY

DR. LOVE

HANGGANG

HUWAG

IPINAKILALA

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with