^

Dr. Love

Bibigyan ba ng second chance ang boyfriend?

-

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo, sa staff ng PSN at sa libu-libong tagasubaybay ng Dr. Love. May prob­lema ako at sana’y matulungan mo akong malutas ito. Just call me Marie, 26 years-old at dalaga pa.

Dapat sana’y ikinasal na ako sa boyfriend ko noong isang taon pero hindi natuloy. Nagalit kasi ako sa kanya. Isang buwan bago ang aming kasal, may babaeng nag-eskandalo. Pinuntahan ako sa bahay at sinabing nabuntis siya ng boyfriend ko. Nang komprontahin ko ang boyfriend ko ay umamin siya. Pero sabi niya, tinukso lang siya ng babaeng yun at hindi niya mahal.

Gayunpaman, nakipag-break ako sa kanya kahit engaged na kami. Talagang  hate na hate ko ang boyfriend ko dahil sa ginawa niya. Pati parents ko ay nagalit.

Ngayo’y binabalikan ako ng boyfriend ko. Sabi niya’y hindi naman pala buntis ang babaeng iyon kundi nag-artista lang para mapigil ang aming kasal.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Feeling ko, hindi pa nawawala ang galit ko sa aking boy­friend pero may nagbubulong sa aking dibdib na mahal ko pa rin siya.

Ano ang gagawin ko? Nang tanungin ko ang advice ng mga magulang ko, sabi nila’y patawarin ko raw siya.

Tulungan mo akong mag-decide, Dr. Love.

Marie

 

Dear Marie,

Ikaw lang ang makakapag-decide niyan. If your hatred has overcome love totally, then makabubuti kung tuluyan mo na siyang talikuran.

Pero sabi mo’y may nagbubulong sa puso mo na mahal mo pa rin siya. Love forgives. Love gives another chance. Konsultahin mo ang iyong sarili para makumpirma kung talagang mahal mo pa siya o hindi na.

Ang tao ay tao at may pagkakataong nagka­kamali. Pero kung siya’y kumikilala ng kasalanan at nagsisisi, any person deserves another chance.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

DEAR MARIE

DR. LOVE

LOVE

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with