May therapy bed din akong ginawa at ginagamit ito para ang mga pasyenteng gumaling na ay tuluyang maka-recover. Sa mga lumpo naman, gumawa din ako ng tricycle na may motor. Ang kambiyo nito ay mga kamay lang ang gagamitin hindi mga paa gaya ng pangkaraniwan tricycle na mga paa ang ginagamit. Dahil mga lumpo ang gagamit nito, puwede rin nilang gamitin ito para maghanapbuhay dahil may nakakabit ito na mga lutuan gaya ng fishballs at iba pa. Kumbaga, customized ang tricycle na ito.
Mayroon din akong ginawa na mga equipment sa sports gaya ng ceiling suspended, wall mounted at floor mounted na basketball court at may badminton, volleyball stand at marami pang iba.
Malaki ang tulong ng mga imbensiyong ito sa mga tao. Gaya ng lateral turning bed, mismong ang aking ama na nakaratay sa loob ng tatlong taon ay hindi nasusugatan ang likod. Ayon sa pag-aaral, 60,000 katao ang namamatay taun-taon dahil sa bedsore.
Ang paniniwala ko, kung anong talento o abilidad na mayroon ako, itoy galing sa Panginoong Jesu Critsto at siya lang ang dapat papurihan, pasalamatan at paglilingkuran.
Kung sino ang may kailangan ng lateral turning bed na ito, maaaring tumawag sa 776-7919 at 0917-8537771 o mag-fax sa 821-4115. Alam ko na marami ang nangangailan nito kaya inilagay ko ang mga contact number ko para mapaglingkuran ko kayo.
Marami na akong natulungang tao sa mga fabrications ko dahil akoy naniniwala na ang abilidad o talento kung ito ay galing sa Diyos at kailangan ko rin ay ibabalik sa Kanya sa pamamagitan sa pagtulong sa mga taong nangangailan nito. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo.
Kuya Dante Magbanua ng Parañaque City.
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)