Parehong menor-de-edad

Dear Dr. Love,

A warm and pleasant greetings to you. Just call me Nini, 14 years-old. May boyfriend ako. Tawagin mo na lang siyang Carlo, 16 years-old.

Sa batang gulang namin, we think we know the meaning of love. Nagkaroon na kami ng experience ni Carlo sa sex. Mayaman sila Carlo at malaki ang allowance niya. Once a week, dinadala niya ako sa isang motel.

Nalaman ito ng mga magulang ni Carlo kaya pinagbawalan siyang makipagkita sa akin. Isinumbong din ako ng mga magulang ni Carlo sa aking mga magulang kaya pinalo ako nang husto.

Masyado akong guwardiyado ngayon. Inihahatid ako at sinusundo ng aking tatay sa school.

May one month na kaming hindi nagkikita ni Carlo. Ano’ng gagawin ko?

Nini


Dear Nini,


Ano’ng gagawin mo? Sumunod ka sa iyong mga magulang. Magiging magulang ka rin pagdating ng araw at siguradong maghihigpit ka rin sa iyong mga anak lalo na kung nasusubo sa pag-ibig nang wala sa oras.

Mag-ingat ka. Paano kung magdalantao ka? Pareho pa kayong menor-de-edad at kahit gustuhin ninyo at ng inyong mga magulang, hindi pa kayo puwedeng ikasal ayon sa batas. Huwag mong sabihing you know what love is all about. Marami pa kayong dapat matutuhan.

Dr. Love

Show comments