Iba ang paraan ng Diyos

Dahil magastos ang magpaaral sa ating mga anak sa panahong ito, kinunan namin ang aming tatlong mga anak ng educational plan. Ito sa palagay ko ang gagawin ng mga magulang na naghahangad ng magandang kinabukasan ng kanilang mga anak at mapagtapos sila sa kolehiyo nang mahusay.

Bago mag-graduate ang aming panganay na si David sa high school, pumutok na ang mga balita na ang mga establisimento ng educational plans ay nagsisipagbagsakan. Isa na nga ang educational plan na binabayaran namin.

Pero dahil tapat kami sa Diyos, ginantihan niya ang aming katapatan nang gawin niyang iskolar ang aming anak sa De La Salle University sa Taft Ave., Manila. Kumuha si David ng entrance examination sa naturang unibersidad at siya’y pumasa at ginawa pa siyang iskolar. Wala kaming ginagastos kahit isang kusing. Kamangha-mangha ang ginawa ng Diyos kay David.

Iba talaga ang paraan ng Diyos kaysa tao. Ganoon talaga ang tao, gumagalaw siya ayon sa kanyang senses, pero ang gusto ng Diyos, ang tao ay magtiwala lamang sa Kanya dahil Siya naman ang pinanggagalingan ng lahat. Ang ating buhay at lakas ay galing sa Kanya.

Lahat ng nakikita at hindi nakikita, espiritwal o pisikal, may buhay o walang buhay at kapangyarihan ay galing sa Kanya dahil Siya nga ang may likha sa langit at mundo at lahat ng mga bagay-bagay dito kasama na tayong mga tao.

Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo dahil Siya ang tunay at totoong Tagapagligtas, Diyos at Panginoon ng lahat ng mga tao sa mundo.

Ate Evelyn Palero ng Cainta


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

Show comments