^

Dr. Love

Hindi sigurado sa minamahal

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong column. Tawagin na lamang ninyo akong Miss Pisces ng San Andres Bukid, Manila, born on Feb. 26, 1984.

Tungkol po sa aking manliligaw ang ihihingi ko ng advice. Malayo po siya sa akin at sa sulat lang kami nagkakaroon ng ugnayan.

Ang kaso, kung sumulat siya sa akin ay minsan lang sa isang taon. Dapat ko pa bang bigyan ng pansin ang mga sinasabi niya sa akin sa sulat? Ang totoo ay napamahal na rin siya sa akin. Gusto ko sanang sundin ang damdamin ko sa kanya pero hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya.

May kaibigan po akong nagbakasyon sa kanila. Pinadalhan po niya ako ng regalo at sulat. Ano ba ang dapat kong gawin? Sana ay matulungan ninyo ako.

Maraming salamat and more power.

Miss Pisces


Dear Miss Pisces,


Natural lang na magkaroon ka ng agam-agam sa manliligaw mong sa sulat mo lang nakakausap. Iba ang sulat at sa personal na pag-uusap dahil dito mo nakikita o nasisilip kung bukal sa loob ang mga sinasabi niya.

Hindi masamang magmahal kahit sa panulat lang pero huwag mong pagbuhusan ng loob at ipako lang ang pansin sa kanya. May iba ba siyang pinagkakaabalahan kaya minsan sa isang taon lang siya sumulat sa iyo?

Bakit hindi mo siya padalawin sa inyo para ganap kayong magkakilala bago mo hayaang lumalim ang pagkagusto mo sa kanya.

Sana ay kilalanin mo muna siyang mabuti bago ka pumalaot sa pakikipagrelasyon sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

BAKIT

DAPAT

DEAR MISS PISCES

DR. LOVE

FEB

LANG

MISS PISCES

SAN ANDRES BUKID

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with