^

Dr. Love

Pag-ibig mo ipaglaban mo

-
Dear Dr. Love,

Hi. I hope that you can give me an advice about my lovelife. By the way, I’m L.A., 20 years-old. Mayroon akong boyfriend, si Ariel.

Boto naman pareho ang family namin kasi kilala na namin ang isa’t isa. Actually, we live in the same place, walking distance lang ang layo.

Ang problema ko po ay yung isa kong Kuya. Magkabarkada po kasi sila ng boyfriend ko kaya alam na alam niya ang mga gawain ng boyfriend ko pagdating sa pakikipagrelasyon.

Ang sabi ng Kuya ko, tigilan ko raw ang pakikipagmabutihan sa kanya. Pero mahal niya ako at ganoon din ako sa kanya.

Sa ngayon po ay nararamdaman ko na totoo lahat ng nararamdaman ng boyfriend ko para sa akin dahil pilit po niyang binabago ang lahat ng nakasanayan niya pagdating sa pakikipagrelasyon. At sa totoo lang po, ipinaglalaban po niya ang aming relasyon sa Kuya ko.

Dr. Love, sana po ay mabigyan ninyo agad ng advice ang aking problema. More power and God bless you! L.A.


Dear L.A.,


Siguro, may kapintasan ang boyfriend mo na alam ng Kuya mo kaya ka pinagsasabihan. Pero sa tunay na pag-ibig, ang ano mang kapintasan ay hindi mahalaga. Kung ito’y kapintasan sa pag-uugali, ang importante’y handang magbago ang boyfriend mo alang-alang sa iyo. At komo boyfriend mo siya, ikaw ang higit na nakakakilala sa kanya. Kung sa palagay mo’y sa kanya ka liligaya, walang ibang taong makapagdidikta sa iyo para hiwalayan siya.

Dr. Love

vuukle comment

BOTO

BOYFRIEND

DEAR L

DR. LOVE

KANYA

KUYA

MAGKABARKADA

MAYROON

PERO

SIGURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with