^

Dr. Love

Nagpapahalik siya sa akin kahit may ibang bf

-
Dear Dr. Love,

Una sa lahat, binabati kita ng magandang araw. Ako po si R.L. ng Pangasinan. Gusto ko po sanang idulog sa inyo ang aking problema sa aking babaeng minamahal.

Nais ko po sanang itanong kung mahal din ako ni Lyn, ang babaeng aking minamahal kahit na mayroon siyang boyfriend.

Ang bf po ni Lyn ay nasa Maynila at bihira silang magkita at magkaroon ng komunikasyon.

Dr. Love, ang isa bang babae na nahahalikan ng isang lalaki ay mayroong pagmamahal sa kanya? Nahahalikan ko po si Lyn at hindi naman siya nagagalit. Halos lahat ng parte ng kanyang katawan ay nahahawakan ko puwera nga lang ang isang bagay dahil ayaw niyang pumayag.

Pero sa tuwing pumupunta ako sa kanila ay hindi nawawala ang kiss ko sa kanya.

Ang nais ko pong itanong ay kung mahal kaya niya ako. Sana ay mailathala ninyo ang aking sulat at bigyan po ninyo ako ng kasagutan kung ano ang dapat kong gawin para lubos niya akong mahalin.

Maraming salamat and more power to you and to your staff. God bless you.

Lubos na gumagalang,
R.L.


Dear R.L.,


Salamat sa liham mo at hangad ng pitak na ito na masagot namin nang tama ang problema mo.

Ang sabi mo, may boyfriend ang babaeng mahal mo subalit pinababayaan niyang makahalik ka sa kanya.

Maaaring may pagmamahal siya sa iyo bagaman mayroon siyang nobyo. Maaari rin namang dahil sa wala silang komunikasyon at hindi sila nagkikita ng kanyang bf ay ikaw ang napagbabalingan niya ng pansin.

Nais mong lubos kang mahalin ni Lyn. Itanong mo sa kanya nang diretso kung ano ang score mo sa puso niya dahil hindi naman magandang tingnan na nariyan ka na ay nariyan pa rin ang kanyang bf.

Siguro, magiging maliwanag ang eksena at magiging klaro ang lahat kung mayroon na kayong seryosong usapan sa katayuan ng inyong relasyon.

Kung makikita niya ang malaking kaibhan mo sa kanyang bf, magiging klaro rin sa kanyang puso na ikaw nga ang mas mahal niya kaysa kanyang bf.

Maglinawan kayo at linawin mo rin sa kanya na tapat ang intensyon mo sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR R

DR. LOVE

ITANONG

KANYA

KANYANG

KUNG

LUBOS

MAAARI

MAAARING

MAGLINAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with