Gustong manuhog ng girlfriend

Dear Dr. Love,

Greetings in the name of our Lord and Saviour Jesus Christ! Matagal na po akong nagbabasa ng column ninyo at akala ko ay hanggang sa pagbasa na lang ako but I found out na kailangan ko pa rin palang humingi ng advice ninyo.

I’m Irene, 19 years-old and third year college sa isang paaralan sa Urdaneta City.

Mayroon po akong boyfriend na tawagin nating Greg, taga-Asingan, Pangasinan. Iba po ang kanyang paaralang pinapasukan.

Ang akala ko noon, wala na kaming magiging problema dahil mahal na mahal namin ang isa’t isa. Pero hindi nagtagal, nagkaroon kami ng problema dahil nalaman ko na mayroon pa pala siyang ibang girlfriend at ang masakit pa nito ay pareho pa ng araw ng sagutin namin siya.

Kinumpronta ko siya at pinamili ko kung sino ang mas mahal niya. Pero ako ang pinili niya dahil mahal na mahal daw niya ako. Subalit hindi ko pa rin siya tinanggap uli dahil nawalan na ako ng tiwala sa kanya.

Nais ko sanang magkabalikan uli kami subali’t hindi ko na siya nakikita o nakakausap man lang, bagaman sinasabi ng kanyang mga kaibigan na mahal pa rin niya ako. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Makikipagbalikan po ba ako o hindi? Mahal na mahal ko pa po siya.

Sana mapayuhan ninyo ako.
Thank you, more power to you and God bless you.
Always,
Irene




Dear Irene,

Maaaring nagdamdam sa iyo kundi man nahihiya na ang boyfriend mo dahil nabisto mo siyang two-timer.

Noong una ay kaya mo siyang mawala sa iyo matapos mong mabisto na may iba pa pala siyang mahal. Subali’t nang nasasaktan kang mawala siya sa iyo, ikaw ay nagnanais na magkabalikan uli kayo.

May nakakausap ka namang mga kaibigan niya na puwedeng makapaghatid-sabi sa dati mong nobyo na hindi mo pa siya nalilimutan.

Kung mayroon nang go-signal mula sa iyo, hindi na siya dapat magpatumpik-tumpik pang humingi ng panibagong pagkakataon.

Kung wala kayong komunikasyon sa isa’t isa, dapat gumawa ka ng daan para bumalik na siya sa iyo. Kung mapapanghal ka pa rin ng paghihintay aba, maghanap ka na rin ng iba. Siya na nga ang nabisto sa mali niya, siya pa ang may ganang magmatigas.

Bigyan mo ng dignidad ang iyong sarili para irespeto ka ng mahal mo. Huwag kang magmadali dahil bata ka pa naman. Ipagpatuloy mo muna ang pag-aaral at pagkatapos mo, mas maraming mahuhusay na lalaking dudulog sa iyo at gayundin mas magaganda ang buhay mo.

Dr. Love

Show comments