^

Probinsiya

NPA lider nasakote

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng tropa ng militar ang isang sugatang lider ng mga teroristang New People’s Army (NPA)  sa  isinagawang pursuit operations matapos ang bakbakan  sa kagubatan ng Brgy. Amsipit, Maasim, Sarangani kamakalawa.

Batay sa report ni Lt. Col Jones Otida, Commander ng Army’s 27th Infantry Battalion (IB), sinabi ni Major Ezra Balagtey, tagapagsalita ng AFP-Eastern Mindanao Command, pasado alas-5:00 ng umaga nang mangyari ang bakbakan sa lugar.

Kinilala ni Balagtey ang nasakoteng opisyal na si Pablito Torno alyas “Ka Jebjeb”, vice commander ng NPA terror group sa lalawigan.

Si Torno ay isinugod sa pagamutan matapos na masakote sa isinagawang pursuit operations sa Brgy. Amsipit , Maasim, Sarangani, pitong oras matapos ang engkuwentro.

Nasamsam sa pinangyarihan ng bakbakan ang iba’t-ibang uri ng armas, mga personal na kagamitan, at mga subersibong dokumento.

Pinaniniwalaan namang marami pa ang sugatang nakatakas sa hanay ng mga rebelde sa naganap na bakbakan base sa mga patak ng dugo sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

NEW PEOPLE’S ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with