^

Police Metro

15-anyos binoga sa batok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa kritikal na kondisyon ang isang 15-anyos na binatilyong barker matapos na barilin sa batok ng dalawang sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktima ay itinago sa alyas na ‘Macky’, naninirahan sa BMBA Compound, Brgy. 120, ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:23 ng gabi sa may Rizal Avenue Extension, Brgy. 71 ay abala sa pagtawag ng pasahero ang biktima nang huminto ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki.

Bumaba ang dalawang suspek at lumapit sa kanyang likuran at malapitan na binaril sa batok bago mabilis na tumakas.

Blangko pa ang mga otoridad sa motibo ng pamamaslang habang nirerebisa ang kuha ng mga nakakabit na CCTV sa lugar.

 

vuukle comment

CRITICAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with