^

Probinsiya

10 BIFF todas sa airstrike, 4 sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 10 miyembro ng Bangsamoro Isla­mic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang habang apat ang sumuko sa isinagawang airstrike operations kaugnay ng patuloy na opensiba ng tropa ng militar laban sa te­roristang grupo sa Central Mindanao, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, commander ng 6th Civil Military Operations (CMO) Regiment at Spokesman ng Joint Task Force (JTF) Central, nagsimula ang airstrike nitong Lunes laban sa grupo ni BIFF Commander Bungos sa Brgy. Pamalian at Brgy Pagatin; pawang sa Shariff Saydona Mus­tapha, Maguindanao.

Si Bungos ay si Esmael Abubakar na humalili sa lider ng BIFF at founder na si Ameril Umbra Kato na napatay sa assault ope­ration ng tropa ng militar noong 2015. Ang BIFF ay tatlong paksyon na pawang nakipag-alyansa at supporters ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Ayon kay Besana, naglunsad ng airstrike ang topa ng militar sa loob ng halos isang oras laban sa tinata­yang 30-40 BIFF fighters sa Brgy. Pagatin kaugnay ng puspusang opensiba ng tropang gobyerno laban sa nasabing grupo na sangkot sa paghahasik ng terorismo sa Central Mindanao.

Samantala, dalawa namang sundalo ang nasugatan sa inilunsad na operasyon ng tropa ng pamahalaan.

Nakarekober ang tropa ng militar ng 20 mga armas at sinira rin ang dalawang  makina na gamit ng BIFF sa paggawa ng mga armas habang nakum­piska rin ang mga ma­gazines at mga bala.

Kaugnay nito, apat namang BIFF ang su­muko sa tropang gobyerno matapos na makorner sa nasabing opensiba.

 “We will continue our pursuit of terror groups like the BIFF that threaten the peace and security of communities,” pahayag naman ni JTF Central Commander Major Ge­neral  Arnel  Dela Vega.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLA­MIC FREEDOM FIGHTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with