^

Kutob

April 12, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Habang may buhay may pag-asa. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin walang paltos na makakamit ang minimithi. Hirap ang aanihin ng tamad. Simulan ang pagbabanat ng buto. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 33 at jade green.

TAURUS (Abr. 20-May. 20) Sa pagmumukmok at pag-iisip ng hindi kumikilos ay walang mapapala. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at  kalakip ang sipag, tiyaga at pagkilos. Tiyakin na sa malinis na paraan nanggagaling ang ipapakain sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41at indigo.

GEMINI  (May.21-Hun. 21) Ang gagawing desisyon ay may bungang pipitasin. Malakas ang ESP kaya ang anumang kutob ay gawin. Huwag magpahiram ng pera dahil masisira ang iyong pagtitiwala. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 40 at electric blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Maaaring makakilala ng taong makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na kailangan. Kung may panahon na makipagsosyal maaaring makatagpo  ng bagong kakilala at magkaroon  ng pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 34, 36 at pink.

LEO  (Hul. 23-Ago. 22) Kung itutuloy ang paglalakbay, may malaking pakinabang sa sarili o sa trabaho. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan. Iwasan ang mamasyal o maglakad ng walang mahalagang sadya. Iwasan ang makipag-date at tiyak na magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day6, 12, 27, 38 at yellow.

VIRGO (Ago. 23-Set.23) Iwasan na mag-init ang ulo para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o basag-ulo. Ang bawa’t taong makakausap ay nangangailangan ng paliwanag, kaya hinahon at pasensiya ang kailangan . Maaaring makatagpo ng sasalungat sa gusto o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at green.

LIBRA (Set.  24-Okt. 23) Masigla dahil sa pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan, gaan ng damdamin at magandang pakiramdam. Matumal ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 40, 42 at red.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Ang makatulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nangangailangan ng maiwasan ang malinlang. Sigla ng katawan ang dahilan kung kaya mabilis at walang sagabal na matatapos ang sinimulan. Mag-ingat sa matatalim at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 40 at blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Iwasan ang makulit at mapagbiro dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali na handang makipag-away. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng tamlay. Iwasan ang mangako dahil hindi makakatupad. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at white.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan na lumagda ng mahalagang papeles o kontrata na hindi naunawaan ng mabuti. Huwag pilitin ang sarili kung may duda at tiyak kapahamakan ang mangyayari. Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago na kaayusan ng bahay, opisina o pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 41 at emerald green.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Ang sino mang magbenta o manghingi ng tulong ay dapat suriin ng mabuti bago paunlakan. Magiging masayahin at madaling lapitan ng kahit sino, ngunit mag-ingat at baka maloko. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at manloloko. Pag-aralang mabuti ang desisyon bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at violet.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Sa kabutihang magagawa ngayon ang gantimpala. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak o kamag-anak ang nangangailangan ng tulong sa pag-aaral, suliranin sa pag-ibig o pera. Magaan ang tulong kung buong pusong ipagkakaloob. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 37, 42 at yellow.

vuukle comment

HOROSCOPE APRIL 12 2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with