^

Pang Movies

Wala raw utang na loob, John Lloyd lulundag sa GMA?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Wala raw utang na loob, John Lloyd lulundag sa GMA?!
John Lloyd Cruz

Pinag-uusapan ngayon ang isang post ni John Lloyd Cruz tungkol sa telebisyon na diumano ay nagagamit para paglaban-labanin ang mga tao. Marahil ang tinutukoy niya ay ang halos pagsasabungan ng mga networks, at ng mga artista na rin dahil sa ratings. Iyong post ni John Lloyd ay ni-like ng mahigit na tatlong libong tao, kabilang na ang ilang mga artista at isang respetadong aktres.

Kung iisipin mo nga naman, may punto rin si John Lloyd. Dahil nga sa so­brang paglalabanan ng mga networks sa ratings, maging ang mga stars na dapat sana ay nagkakasamahan nang mabuti ay nagkakaroon ng hindi magandang pagtitinginan.

Hindi lang namin ngayon narinig iyan. Narinig namin iyan maraming taon na ang nakakaraan mula kay Kuya Germs. Nalungkot si Kuya Germs noon dahil tumamlay ang dati ay napakasiglang Star Olympics. Dinadayo iyon ng fans dahil nakikita nila ang lahat ng kanilang paboritong stars. Magkakasama silang lahat kahit iba’t ibang kumpanya ng pelikula ang kinabibilangan nila. Noong magkaroon ng laba­nan ang mga networks, noon nagsimulang kumaunti ang stars na sumasali sa Star Olympics. Kasi ina­awat sila ng networks dahil ang Star Olympics ay televised at posibleng hindi sa kanila. Iyang Star OIympics ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebis­yon (KAPPT).

Tingnan din ninyo ngayon, iyong mga artistang dating magkakaibigan, ni hindi nagkakaroon ng pagkakataong magkasama-sama, dahil sa limitasyon ng mga networks. Dahil may makasama kang nasa kabila, matsitsismis kang posibleng lumipat, tapos ka na.

Talaga namang may punto si John Lloyd, pero mahahalata mo ang mga comments, galit na galit kay John Lloyd at sinasabing wala siyang utang na loob, dahil yumaman siya dahil din sa network na kinabibilangan niya. May nagsasabi pang nagsasalita siya nang ganyan dahil laos na siya.

Bukod dito, may mga naglalabasang mga balita rin na lulundag na raw ang aktor sa GMA 7 na siyempre pa ay inalmahan ng maraming fans.

Gil kailangan pa ng maraming workshop

Noong isang gabi, napanood namin iyong mga localized na folk tales ni Gloria Romero. Mahilig kami talaga sa mga ganyang panoorin. Maaalala mo ang pagkabata mo. Ang main character noon ay ang paborito naming nilikhang character ni Edgar Rice Burroughs na sinusubaybayan namin sa komiks, si Tarzan. May koleksiyon din kami ng mga Tarzan movies, simula pa noong si Johnny Weismuller ang bida.

Ang lumabas na Tarzan ay si Gil Cuerva. Pero comedy iyon, hindi totoong Tarzan story. Aywan kung bakit nakaramdam kami ng panghihinayang. Iyan si Gil Cuerva ay ginawa nilang bida sa isang serye, at napakalaki ng ginawang launching para sa kanya. Iisipin mo ngang siya ang magiging number one. Mabilis naman siyang nakakuha ng mga fans. Pero hindi nga rin tumagal ang seryeng iyon. Tapos may mga tsismis pang hirap silang i-casting si Gil dahil mahina pa raw umarte.

Siguro nga nabigla si Gil sa isang napakalaking assignment agad, pero iyang acting mapag-aaralan naman iyan. Palagay namin dapat magtulungan ang network at ang management din ni Gil para kung ano man ang kakulangan sa kanyang ipinakikitang acting ay maitama. Minsan may mga artistang panghihinayangan mo, dahil sa tingin mo may potentials pero dahil natisod sa unang project, lumamig na ang career.

Kung mapapabayaan iyan, wala na iyan. Pero sa­yang dahil mabilis pa naman siyang natanggap ng mga fans noon. Sayang din naman ang nasimulan na.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with