^

Bansa

Sa pagkidnap at pagpatay sa Korean trader ‘Heads will roll!’ - Sueno

DIKLAP - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sa pagkidnap at pagpatay sa Korean trader �Heads will roll!� - Sueno
Nasa larawan (gitna) si Senior Police Officer 3 Ricky Sta. Isabel habang inieskort palabas sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Maynila makaraang arestuhin siya dahil sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreanong si Jee Ick-joo.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines – Sisibakin sa puwesto ang mga opisyal ng Philippine National Police na sangkot umano sa pagdukot at pagpatay sa negos­yanteng South Korean na si Jee Ick-joo sa loob mismo ng punong himpilan ng PNP sa Camp Crame sa Quezon City.

Ito ang mariing tiniyak kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno na nakiramay sa nagluluksa ng pamilya ni Ick-joo.

Ang babala ay ginawa ni Sueno matapos na lumitaw sa inisyal na im­bestigasyon na mga rogue o scalawags na opisyal ng PNP ang sangkot sa karumaldumal na krimen.

“Sa maybahay at pamil­ya ni Mr. Jee, ang taimtim kong pakikiramay sa pagpanaw ng inyong asawa. Tinitiyak ko na pananagutin ang mga may kinalaman sa krimen na kinasasangkutan din ni SPO3 Ricky Sta. Isabel at mga kasabwat niya,” wika ng kalihim.

Tiniyak ng opisyal na mananagot ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng pulisya na sangkot sa pagdukot  at pagpatay kay Ick-joo.

Nitong Huwebes ay nagpahayag ng pagkadismaya si PNP Chief P/Director General Ronald “Bato” dela Rosa na umaming halos matunaw siya sa kahihiyan sa pagkaka­bulgar na mismong mga miyembro ng PNP-Anti Drug Group ang sangkot sa pagdukot at pamamaslang sa negosyante sa mismong bakuran ng Camp Crame.

Idiniin pa ng Kalihim na hindi niya kukunsintihin at sa halip ay kakalusin ang mga tinaguriang bulok na itlog sa PNP.

Samantalang tiniyak din ng opisyal na handa silang humarap sa anumang imbestigasyon na ipatatawag ng Kongreso sa kasong ito.

Magugunita na ang biktima ay dinukot sa pekeng anti-drug operation ng grupo ni Sta. Isabel sa tahanan nito sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 18, 2016 ng nakalipas na taon at nabulgar lamang nitong Enero 11, 2017 matapos na dumulog na sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang misis ng biktima.

 

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with