Bar results tatalakayin ng SC
MANILA, Philippines - Magdaraos ang Korte Suprema ng special en banc session sa May 3 para talakayin ang resulta ng 2015 Bar Examinations.
Ayon sa source, kabilang sa tatalakayin ang itatakdang passing rate.
Inaasahan naman na sa mismong araw ay lalabas na ang resulta ng pagsusulit dahil pagkatapos ng en banc session, maaring idedecode na ang mga grado ng bawat Bar examinee.
Naka-recess na ngayon ang Korte Suprema kasunod ng pagtatapos ng kanilang 2016 summer session sa Lungsod ng Baguio nitong Martes.
Mahigit 7,000 ang kumuha ng Bar examinations nuong nakalipas na taon na idinaos sa University of Sto. Tomas sa Maynila, Nobyembre ng nakaraang taon.
Nuong 2014 Bar Exams, mula sa 5,984 examinee, nasa 1,126 lamang ang nakapasa.
- Latest


















