^

Kutob

Oktubre 8, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang presensiya ng Dios ang nagpapagaling sa akin.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Malakas ang ESP kaya ang kutob ay dapat sundin. Kailangan ang malawak na pakikibagay sa mga kasamahan lalo na sa nakakataas. Iwasan ang magpagabi sa daan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 15, 19 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang itinatagong sikreto ay malamang matuklasan. Ihanda ang sarili dahil susubukan ang iyong katapatan. Ang inaasahan na matagal nang hinihintay ay maaalintanang dumating. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 11, 38 at emerald green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansiyal. Pag-aralang mabuti ang dapat pagdesisyunan. Mag-ingat sa mga sasakyan. Iwasan ang magulong lansangan. Magiging saksi ka sa pangyayari na hindi makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 33, 39 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May pagkakataon na mapaunlad ang kalagayang pinansiyal. Matutong manindigan sa sarili at laging isaisip ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Makulay at maaliwalas ang buhay pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 36, 40, 45 at mustard yellow.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Umaayon ang panahon sa pagpaplano ng magandang paraan sa ikakaunlad ng sarili o negosyo. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Malamang makakadalo sa isang simpleng okasyon ng kapit-bahay o kaibigan. Hindi angkop ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 32, 38 at yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasan ang ma­ngako. Magandang panahon sa mga namamasukan sapagkat mailalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang maglakbay. Iwasan na mapasubo sa pakipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 21, 39 at light green.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nasa signos ang aksidente kaya iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Iwasan na maglakbay ng malayo lalo na kung tatawid ng dagat ang pupuntahan. Hangga’t maaari manatili sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 31, 37 at red.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masaya at walang problema sa larangan ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag ng hinanakit at baka hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Huwag magmalabis sa mga gawain dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 32, 40 at orange.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) –  Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala.  Isang kaibigan o kamag-anak ang may hatid na balita na ikakagalak. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 34, 43 at aquamarine.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Sususwertehin sa itatayong negosyo kung sisimulan sa araw na ito. Gumawa ng tahimik at pairalin ang tiyaga. Makakatagpo ng mga bagong kakilala sa isang pakikisalamuhang sosyal. Iwasan na masangkot sa argument. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 34 at violet.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang Virgo ang magbibigay ng kaligayahan. Malaking pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban ang desisyon para mapag-aralang mabuti ang payo. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 24, 41 at pink.   

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Makakabuting kumilos bago mahuli ang lahat. Ang mga hinanakit ay mapapalitan ng kaligayahan. Huwag paniwalaan ang pang-aasar o kantiyaw. Sundin ang tibok ng puso. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 22, 28 at sky blue.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

HUWAG

IWASAN

LUCKY

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with