^

Police Metro

Karera ng motor: 1 todas , 2 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 24-anyos na rider habang malubha naming nasugatan ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo  nang maaksidente habang nagkakarera sa motorsiklo sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasa­wing si Dondon Cupas, 24, habang sugatan naman ang dalawa pang kasamahan nito na sina  Dennis Ladao, 34, construction worker at  Paolo Pupa, 19, pawang residente ng West Bank Road, Barangay Maybunga, Pasig City.

Sa ulat dakong alas-2:24 ng madaling araw sa kahabaan ng F. Legaspi Avenue, kanto ng M. Eusebio Avenue, Barangay Maybunga ay  nagkayayaan ang mga biktima na nag-iinuman na magkarera sa West Bank Road.

Ayon sa mga nakasaksi,  sobra umanong bilis ng takbo ng kanilang mga motorsiklo hanggang sa makita na lang na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Cupas matapos na bumangga sa Meralco post at  tumilapon.

Dahil sa gulat sa naganap sa kaibigan ay nawalan na rin umano ng kontrol ang kasunod na motorsiklo na sinasak­yan nina Pupa at Ladao at sila ay  sumemplang.

vuukle comment

BARANGAY MAYBUNGA

DENNIS LADAO

DONDON CUPAS

EUSEBIO AVENUE

LEGASPI AVENUE

PAOLO PUPA

PASIG CITY

WEST BANK ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with