^

PSN Opinyon

Pambansang kamao

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ang pitak na ito’y hindi nagsasawa

Pambansang kamao purihin sa tula;

Pagka’t sa totoo siya lang talaga

ang dapat hangaan nitong buong bansa!

 

Mahusay sa boksing palaging panalo

kaya kinilalang bayani’t idolo;

At dahil sa galing naging bilyonaryo

sa dami ng pera ay walang tatalo!

 

Sa dami ng kanyang tinamong tagumpay

sari-saring award ang kanyang nakamtan;

Binigyan ng ranggo sa hukbong katihan

at saka siya rin ngayon ay congressman!

 

Sa mga naroon sa ating Kongreso

pinakamalaki ang perang natamo;

Pera nang bilangin malaki pa ito

sa pera ni Marcos at Villar ng Senado!

 

Sa nangyaring ito sabi nang marami

ay hindi basketball haraping mabuti;

Dapat ang harapin niya magtayong malaki

ng boxing stadium tulad ng Elorde!

 

Bakit kaya bakit Pambansang kamao

nagbago ng hakbang sa panahong ito?

Alam nating lahat siya’y boksingero

ay bakit basketball ang pinasok nito?

 

Sabi nang marami nating kababayan

palibhasa’y bantog sumobra ang yabang;

Ngayon ay head coach na ng isang larangang

Malayung-malayo sa kanyang minulan!

 

Marami na siyang tahanan at mansion

dapat magpatayo ng boxing stadium;

Mga boxer nating naghihirap ngayon

doo’y magsasanay para rin magkampeon!

 

Mungkahi ng pitak saka ng iba pa

sa halip basketball ang harapin niya;

Dahil bilyonaryo at maraming pera

kapwa boksingero ang tulungan sana!

vuukle comment

ALAM

BAKIT

BINIGYAN

DAHIL

DAPAT

ELORDE

KONGRESO

MAHUSAY

PAMBANSANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with