^

Police Metro

Lola nag-panic, tumalon sa jeep, dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng kamatayan ng isang 69-anyos na lola ang kanyang pagpa-panic kaya tumalon ito sa jeepney at mabagok ang ulo sa espaltadong kalsada sa Brgy. Bergado, Mutia, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Erlinda Malmis  ng Concepcion, Misamis Occidental bunsod ng head trauma.

Sa ulat ng pulisya,  naganap ang insidente dakong alas 7:50 ng umaga habang binabagtas ng sinasakyan nitong jeep (JVL-472) ang highway ng Brgy. Bergado, Mutia, Zamboanga del Norte.

Pababa umano ang nasabing highway nang big­lang ianunsiyo ng driver na nagloloko ang makina ng behikulo. Sa sobrang takot ay mabilis na tumalon ang biktima sa bintana ng jeep at humampas ang ulo sa kalsada.

Samantalang sa kabila ng nagloko ang makina ng behikulo ay wala namang nangyaring masama sa iba pa nitong pasahero.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya ang kawawang driver at ini-impound rin ang behikulo nito kaugnay ng kasong kriminal sa pagkamatay ng matanda.

vuukle comment

BERGADO

BRGY

CONCEPCION

ERLINDA MALMIS

IDINEKLARANG

MISAMIS OCCIDENTAL

MUTIA

NORTE

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with