^

Probinsiya

Mag-asawa kinatay ng trabahador

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa matapos tadtarin ng ma­talim na tari ng manok ng isang trabahador sa poultry farm sa Barangay Balidbid, Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Tessie Embradora, 32; at Ronel Esgana, 20, kapwa nakatira sa nasabing barangay habang nasakote naman ang suspek na si Edmund Ilustrisimo, 32.

Ayon sa pulisya, si Tessie ay nagtamo ng 12 saksak sa katawan habang walo naman kay Ronel.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-10 ng gabi nang maganap ang krimen matapos na pasukin ng suspek ang bahay ng mag-asawa sa nasabing lugar.

Nabatid na natutulog ang mag-asawa nang pasukin at tadtarin ng suspek gamit ang tari ng manok.

Natukoy naman ang suspek na inaresto ng mga barangay tanod at itinurn­over sa pulisya matapos na mabatid na bago ang insidente ay nakaaway nito si Ilustrisimo na pinagbantaan pa nito ang buhay.

vuukle comment

AYON

BANTAYAN ISLAND

BARANGAY BALIDBID

CEBU

EDMUND ILUSTRISIMO

ILUSTRISIMO

KINILALA

RONEL ESGANA

TESSIE EMBRADORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with