Lea, bibida sa Indiana Yuletide

Bibida si Lea Salonga sa Indianapolis bilang featured performer ng Indianapolis Symphony Orchestra (ISO) sa Oct. 20 para sa 40th anniversary of AES Indiana Yuletide Celebration.
Maghahandog ang Tony Award-winning star ng mix ng kanta mula sa kanyang career, kabilang ang mga pinasikat niya bilang singing voice nina Princess Jasmine sa Aladdin at Fa Mulan sa Mulan.
Tampok sa An Evening with Lea Salonga under the direction of Jack Everly, principal pops conductor ng ISO, ang versatility ni Lea. “There’s a spirit of mischievous fun that Jack has and that the orchestra seems to pick up on, and I get to pick up on that. There’s just a joy, you know, when he’s at the podium,” sey ng 55-year-old Pinay Broadway star.
Mahigit 20 years na si Everly bilang conductor ng ISO at ilang beses na niyang nakatrabaho si Lea. “Lea Salonga is a superlative star for the ages. From her stage debut in Miss Saigon to her performances with symphony orchestras around the world, I believe she has yet to encounter an audience that did not give her an enthusiastic and well deserved standing ovation — and I am always the one cheering ‘Brava, Lea!’” papuri ni Everly. Aabangan ng fans of all ages, ang kanilang repertoire, mula sa Aladdin at Mulan hanggang sa Les Mis, Miss Saigon at Sondheim songs mula sa Stephen Sondheim’s Old Friends sa Broadway.
Gaganapin ang concert sa Oct. 20 at Hilbert Circle Theatre.
Sheree, inalala nang mag-50/50 sa bugbog ng jowa
Hindi makakalimutan ni Sheree Bautista ang malasakit ng kaibigan at kapwa Viva Hot Babes member na si Maui Taylor sa pinakamahirap na bahagi ng buhay niya.
Ibinahagi ni Sheree ang umano’y pananakit na naranasan mula sa dati niyang boyfriend. “‘Yung nagulpi ako, si Maui sumundo sa akin sa hospital,” kuwento ni Sheree.
Nangyari raw ang insidente bago ang concert nila, pero itinuloy pa rin niya ang pagtatanghal kahit may pasa sa mukha. “Kasi ‘yung time na ‘yun, nagkaroon ako ng boyfriend na medyo seloso. So nag-50-50 ako bago ng concert namin. Sinundo ako ni Maui sa hospital para mag-excuse muna para rumampa ako. So rumampa ako na may pula sa mata, may bugbog sa mukha.”
Pinuri rin ni Sheree ang dedikasyon ni Maui bilang kaibigan, na kahit hindi pa marunong mag-drive noon ay pinilit siyang sunduin. “We do help each other. May time dati na hindi pa marunong mag-drive si Maui. Tapos nagulpi ako, si Maui talaga sumundo sa akin kahit hindi siya marunong mag-drive. Nagda-drive siya para mapuntahan ako.”
- Latest

























