^

Police Metro

3 katao todas, 2 sugatan sa pamamaril

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa isang insidente ng pamamaril sa isang fishpond sa Timako Hill, Barangay Kalanganan 2, Cotabato City, nitong Biyernes ng umaga.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Datu Maceda Taup Yusop, 53, negosyante, residente ng Purok Waya, Mother Barangay Tamontaka; Mokamad Tabunaway Lanta, residente ng Barangay Salaman, Lebak, Sultan Kudarat; at Reni Hamsa, mangingisda, residente ng Timako, Barangay Kalanganan 2, Cotabato City.

Habang ang dalawang nasugatan na dinala sa Cotabato Regional and Medical Center ay kinilalang sina Daryl Bagundang Oliveros at June Tabunaway Lanta, 49-anyos, mangingisda na taga-Bagua 2, Cotabato City.

Batay sa ulat, ang mga biktima ay malapit sa fishpond sa nasabing lugar nang sila ay sugurin ng mga armadong kalalakihan at walang habas na pinagbabaril.

Nang bumulagta ang mga biktima ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng puting Toyota Hilux pick-up truck.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo at ang mga taong nasa likod ng pamamaril.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with