SGA pabida sa panalo ng Thunder sa Spurs

SAN ANTONIO — Bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points para gabayan ang Oklahoma City Thunder sa 116-104 paggupo sa Spurs sa NBA 2026 season opener kahapon.
Nagdagdag si Jared McCain ng 20 points mula sa 6-for-8 shooting sa three-point line para sa Oklahoma City.
Nalimitahan si San Antonio star center Victor Wembanyama sa 12 points buhat sa mahinang 1-of-13 field goal shooting.
Ang nag-iisang field goal ni Wembanyama ay mula sa isang alley-oop pass ni De’Aaron Fox sa pagtunog ng buzzer sa pagtatapos ng third quarter.
Tinalo ng Spurs ang Thunder, 111-103, sa Oklahoma City sa Game Seven ng nakaraang Western Conference Finals noong Mayo 30.
Sa New York, tinalo ng Philadelphia 76ers ang nagdedepensang Knicks, 106-100, tampok ang pagtatala ni LeBron James ng 14 points, siyam na rebounds at pitong assists.
Humakot si center Joel Embiid ng 13 points, 11 rebounds, anim na assists at tatlong blocks para sa Philadelphia.
Pinamunuan ni guard Jalen Brunson ang New York sa kanyang 21 points, limang rebounds at tatlong assists, habang may 19 markers si Karl-Anthony Towns.
Sa Detroit, kumamada sina Cade Cunningham at Jalen Duren ng tig-22 points at may 21 markers si Duncan Robinson kasama ang tatlong triples sa 121-113 panalo ng Pistons sa Boston Celtics.
- Latest





















