Pag-aresto kay Bato, mas madugo pa sa Marawi siege
MANILA, Philippines — “Posibleng mas maraming masawi sa pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaysa sa labanan sa Marawi noong 2017”.
Ito ang naging babala si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng humantong sa madugong sagupaan ang sapilitang pag-aresto sa senador, na pinaghahanap kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Batay sa impormasyon ng mga otoridad, nagtatago si Dela Rosa sa Mindanao sa ilalim ng proteksiyon ng isang makapangyarihang grupo na may maraming armadong tauhan. Hindi naman tinukoy ni Remulla ang grupo o naglahad ng ebidensiya upang suportahan ang kanyang pahayag.
Dahil dito, nakikipagnegosasyon ang mga otoridad upang hikayatin ang senador na kusang sumuko sa halip na magsagawa ng operasyong maaaring magdulot ng maraming kaswalti.
Inamin din ni Remulla na nagkamali siya nang hindi ipaaresto si Dela Rosa nang magtungo ito sa Senado noong Mayo.
Sinabi niyang nagtiwala siya noon sa katiyakang nasa kustodiya na ng Senado ang senador.
- Latest


















