^

Metro

1.9 milyong pasahero dadagsa sa PITX ngayong Undas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1.9 milyong pasahero dadagsa sa PITX ngayong Undas

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 1.9 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa exodus para sa Undas 2026.

Ito naman ang sinabi ni PITX spokesperson Jason Salvador nitong Linggo kaya naman tuluy-tuloy na rin ang kanilang mga paghahanda.

“We still anticipate around 1.9 million passengers from the week of October 25, next Sunday ‘yan, hanggang sa Araw ng mga Patay. So marami-rami pa rin ‘yan, kaya naman tuluy-tuloy ang ating paghahanda,” pahayag ni Salvador sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Bukod aniya, sa kada taon ang naitatalang pagdami ng pasahero na kinakailangang magdag­dag ng mga biyahe ng provincial buses, inaasahan din na mas tataas pa ang bilang ng mga pasahero dahil mas pinadali pa ngayon ang pagtungo sa PITX sa pamamagitan ng LRT-1 PITX Station.

“Lalong lalo na ‘yung nadagdagan ‘yung LRT station mismo dito PITX, mas naging accessible sa kanila pumunta dito,” ani Salvador.

Nabatid na nasa mahigit 111,000 miyembro ng Philippine National Police ang itinalaga para sa seguridad sa buong bansa para magbigay seguridad sa okasyon sa mga sementeryo at iba pang lugar na dinadagsa ng tao.

PITX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with