^

Metro

OsMa, nagbigay ng 7 libreng angioplast

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa loob ng isang taon

MANILA, Philippines — Iniulat ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na pitong libreng angioplasty at 56 angiogram ang naisakatuparan ng  Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) sa loob lamang ng isang taon mula nang buksan ang Cardiac Catheterization Laboratory nito.

Ayon kay Domagoso, pinakahuli rito ang matagumpay na angioplasty sa isang 70-anyos na lalaki mula Maynila na walang anumang binayaran para sa procedure. Anang alkalde, maaaring umabot sa P975,000 ang gastos sa naturang procedure sa pribadong ospital, kung saan karaniwang nasa P800,000 hanggang P1.5 milyon ang halaga ng angioplasty. Aniya, libre lamang ito  sa OMMC sa mga kwalipikadong pasyente.

Sinabi ni Domagoso na maglalaan ang lungsod ng halos P25 milyon na standby fund para sa pagbili at maintenance ng mga kinakailangang kagamitan upang maipagpatuloy ang serbisyo. “Wala pong bayad ang angioplasty sa ating pampublikong ospital, at tuluy-tuloy po ’yan,” ani Domagoso.

Pinuri din ng alkalde ang medical team ng OMMC, sa pangunguna ni Manila City Health Officer Dr. Grace Padilla, kasama ang mga interventional cardiologist, anesthesiologist, nurse at radiologic technologist.

ISKO MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with