^

Bansa

Pangulong Marcos pursigido na matanggal systems loss charge sa kuryente - Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pursigido na matanggal systems loss charge sa kuryente - Palasyo
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyang alisin ang systems loss charge sa singil sa kuryente na matagal nang pasanin ng publiko. Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro bilang tugon sa tanong kung paano isinusulong ng Pangulo ang pagtanggal ng systems loss charge, bukod pa sa naunang desisyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi na dapat patawan ng VAT ang naturang bayarin.

Giit ni Castro, bagama’t abala ang Kongreso sa ­maraming trabaho, malinaw na prayoridad ang panukalang batas ng Pangulo. Matatandaang binanggit ni Marcos ang isyu sa kanyang SONA, na agad namang sinundan ng mga pagdinig sa Kongreso upang talakayin kung ano ang mga dapat alisin sa singil sa kur­yente at kung paano maaamyendahan ang EPIRA Law.

Nilinaw ni Castro na sa ngayon ay wala pang konkretong plano kung paano babawiin ang tinatayang P10 bilyon na mawawala sa buwis kapag tinanggal ang systems loss charge. Gayunman, tiniyak niyang may mga paraan ang BIR at Department of Finance (DOF) upang makahanap ng kapalit na pondo.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with