^

PSN Opinyon

Nanganganib ang mga bayani ng kalsada

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Ang mga motorcycle taxi at delivery rider ay maituturing nang bagong bayani sa kalsada na nagtatawid sa atin sa trapiko at naghahatid ng ating mga pangangailangan.

Ang mga insidente na ang mga motorcycle taxi rider ay hinoholdap at pinapatay ng kanilang mga na-book na pasahero ay nagpapakita ng matinding banta sa seguridad ng mga manggagawang ito.

Kaya’t ang kanilang kabuhayan ay napalitan na ngayon ng pangamba at panganib dahil sa sunud-sunod na kaso ng pamamaslang at pagnanakaw.

Nakakabahalang isipin na ang mismong mga nagpapanggap na pasahero, na nag-book gamit ang iba’t ibang plataporma, ang siya mismong pumapatay at tumatangay ng motorsiklo ng mga rider katulad na lamang ng naitalang insidente nito sa Cavite at Caloocan.

Hindi lamang simpleng sasakyan ang isang motorsiklo, ito ang buhay at puhunan ng isang rider na sa bawat buhay na nawawala ay isang pamilya ang naiiwang nawawalan ng haligi at kabuhayan.

Bagamat may mga safety features ang mga ride-hailing apps, lumalabas na nagagawang lusutan ng mga masasamang elemento ang sistema upang makapambiktima.

Kailangan ng mas mahigpit na “know-your-cus­tomer” (KYC) protocols ang mga ride-hailing companies, tulad ng mandatory ID verification para sa mga pasahero. Nararapat na magkaroon ng mas pinaigting na police visibility at checkpoints sa mga delikadong lugar o “klasipikadong mga hot spot.”

Dapat ding pag-aralan ng mga ahensya ng gob­yerno at mga kooperatiba kung paano mabibigyan­ ng karagdagang proteksyon o suporta ang mga rider habang sila ay nasa gitna ng kanilang trabaho.

Higit pa rito, mas kailangan ng mga bayani ng kalsada na manalangin na gabayan ng Diyos ang bawat pagbiyahe para sa proteksyon laban sa mga taong may masamang balak habang ginagawa ang trabaho.

Hindi dapat maging mitsa ng kamatayan ang paghahanapbuhay nang marangal. Kailangan ng agarang aksyon mula sa mga kinauukulan bago pa dumami ang madagdag sa listahan ng mga nasawing rider na ang tanging layunin ay kumita ng marangal para sa pagtaguyod ng pamilya.

MOTORCYCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with