Edad 21 pababa bawal sa shooting range
MANILA, Philippines — Pagbabawalan ang mga indibidwal na 21 anyos pababa na pumasok sa mga shooting range at turuan sa paghawak ng baril, habang paiiralin naman ang Gun?Free School Zones sa lahat ng paaralan sa bansa.
Ito ang nakasaad sa House Bill No. 10058 o Child Safety Against Gun Violence Act na inihain ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno kasama sina Akbayan Reps. Percival Cendaña, Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag?ao. Layunin ng panukala na mabawasan ang karahasang kinasasangkutan ng mga menor-de-edad matapos ang sunud?sunod na insidente ng pamamaril sa mga eskuwelahan.
Ayon kay Diokno, sakaling maisabatas, mapoprotektahan ang mga bata laban sa karahasang dulot ng armas at masisiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral. “We owe it to our children, teachers, and families to make our schools safe places for learning and opportunity. We must never allow violence to become part of the school experience,” ani niya.
Isinulong ang panukala matapos ang madugong pamamaril nina Nash, 14, at Rod, 15, sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte noong Hunyo 22, kung saan tatlong estudyante ang nasawi at dalawampu pa ang sugatan.
Kaugnay nito, isinagawa ng DepEd ang kauna?unahang National Safe School Summit and Safety Drill na kinabibilangan ng aktibong shooter simulation. Sa naturang pagsasanay, ang mga estudyante, guro, at lokal na awtoridad ay nagpraktis ng lockout, lockdown, at evacuation procedures para sa kahalintulad na emergency.
- Latest






















