^

Bansa

Angara: Online classes, hindi option

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Angara: Online classes, hindi option
In this May 25, 2024 Facebook post shows Sen. Sonny Angara.
Facebook / Sonny Angara

Sa pangamba ng mga magulang

MANILA, Philippines — Aminado si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na ang paglipat sa online classes ay hindi isang ‘readily ­available option’ para sa maraming estudyante sa bansa.

Ginawa ni Angara ang pahayag matapos matanong sa isang ambush interview kung maaari bang ­piliin na lamang ng mga nag-aalalang mga magulang na mag-online classes na lang ang mga kanilang mga anak upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Ayon kay Angara, bagamat mayroon nang ganitong opsiyon ang ibang mga paaralan, hindi naman ito ready available sa maraming mag-aaral.

Aminado rin siya na ang internet connectivity at access sa teknolohiya ay nananatiling malaking ­hamon para sa maraming pamilyang Pinoy.

“In some schools it exists, but it’s not something that is ­readily available,” ayon pa kay Angara. “Alam ninyo ang state of internet infrastructure natin at siyempre ‘yung ibang magulang hindi rin kaya.”

Sa halip na mag-online classes, sinabi ni Angara na nakapokus ngayon ang DepEd sa pagpapalakas ng seguridad sa mga paaralan, sa pamamagitan ng police visibility, karagdagang security guards, metal detectors, closed-circuit television (CCTV) cameras, at iba pang safety protocols upang masigurong patuloy na ligtas na makadadalo sa klase ang mga mag-aaral.

Matatandaang maraming magulang ang nag-aalala para sa kaligtasan ng kanilang mga anak kasunod nang naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng 20 iba pa.

ONLINE CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with