Robin sinubpoena ng DOJ sa ‘Bato escape’

MANILA, Philippines — Pinadalhan na ng Department of Justice (DOJ) ng subpoena si Sen. Robin Padilla kaugnay ng kaugnay ng reklamong “obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders.”
Ang subpoena ay kaugnay sa umano’y pagtulong ni Padilla para makalabas ng Senado si Sen. Bato dela Rosa sa Senado noong Mayo.
Inuutusan si Padilla na humarap sa DOJ Panel of Prosecutors sa Sept. 25 at Oct. 9.
Pinagsusumite rin si Padilla ng kanyang counter-affidavit at iba pang supporting documents.
Nag-ugat ito sa umano’y pagkakasangkot ni Padilla sa pag-alis ni Dela Rosa mula sa compound ng Senado sa gitna ng mga pagsisikap na ipatupad ang arrest warrant ng ICC na may kaugnayan sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod kay Padilla, kasama rin sa respondents sa nasabing reklamo sina Lt. Jean Alia Yasan Robles, Virgilio Palaganas Carino Jr., at apat na John Does.
- Latest



















