^

PSN Opinyon

Dighay ng dighay: Anong dahilan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pagdighay (burping or belching) ay paraan ng katawan para ilabas ang sobrang hangin sa loob ng tiyan.

Nakalulunok tayo ng sobrang hangin kung mabilis kumain at uminom, nagsasalita habang kumakain, umiinom ng mga soft drinks o umiinom gamit ang straw. May ilang tao na nakahihigop ng hangin sa tuwing ninenerbyos.

Ang hindi natunawan (indegestion) at heartburn ay ma­aaring malunasan ng pag-dighay.

Para mabawasan ang pag-dighay:

1. Kumain at uminom ng dahan-dahan. Huwag magma­dali para maiwasan mabulunan. Limitahan ang pag-inom gamit ang straw.

2. Itigil ang pag-inom ng carbonated na inumin gaya ng softdrinks at beer, dahil naglalabas ito ng carbon dioxide.

3. Iwasan ang chewing gum o pagsipsip ng matigas na candy.

4. Huwag manigarilyo.

5. Ang pagbawas sa stress ay maaaring mapigilan ang nerbyos. Para mabawasan ang habit ng paglunok ng hangin.

6. I-check ang sukat ng pustiso. Kung hindi tama ang sukat­ maaaring maging dahilan para makalunok ng hangin habang kumakain.

7. Iwasan humiga agad pagkatapos kumain. Maglakad-lakad muna para bumaba ang kinain at maiwasan ang heartburn.

* * * * *

Nilagang kamote ay napakasustansya

Napakaraming benepisyo na makukuha mula sa pagkain ng kamote (sweet potato). Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat. Mura din ito at mabibili sa buong taon.

1. May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.

2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan dahan magpataas ng asukal sa dugo. Pwede din sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.

3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi ka makakakain ng marami.

4. Meron protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.

5. Meron iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.

6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya ingat na huwag madami kainin.

7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifidobacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.

BURP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with