^

Probinsiya

36 missing sa magnitude 7.8 lindol sa Mindanao, ‘no signs of life’ – OCD

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
36 missing sa magnitude 7.8 lindol sa Mindanao, ‘no signs of life’ – OCD
Comedian-host Melai Cantiveros took to social media to share that her family is safe in her hometown, General Santos City, after a magnitude 7.8 earthquake jolted Mindanao on June 8, 2026.
Instagram/Melai Cantiveros

MANILA, Philippines — Sa pagpapatuloy ng search and rescue operations ng mga awtoridad sa Mindanao, inihayag kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) na “no signs of life” na sa 36 kataong nawawala sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa nasabing rehiyon noong Hunyo 8.

Sa pulong balitaan kahapon, sinabi OCD De­puty Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na iniulat ng mga awtoridad na wala nang senyales o palantandaan na buhay pa ang mga nawawalang biktima.

Ayon kay Alejadro, karamihan sa mga nawawala ay pinaniniwalaang nalibing nang buhay sa matinding landslides o pagguho ng lupa sa Jose Abad Santos, Davao Occidental na isa mga lugar na tinamaan ng napakalas na lindol.

Dagdag nito, patuloy ang pagsisikap ng mga rescuers na makita ang katawan ng mga nawawalang biktima pero naging mahirap ang kondisyon sa search ope­rations sa lugar.

“Meron tayong isang barangay, Patulang, na 10 reported doon. And I think, if I can recall, seven doon ay isang household na natabunan ng landslide,” ani Alejandro.

Samantala, pumalo na sa 65 katao ang naitalang death toll sa lindol sa Mindanao. 

Ito’y matapos na apat pang bangkay ang na­rekober ng search, rescue and retrieval team sa mga gumuhong istraktura.

Sinabi ni Alejandro IV na karamihan sa mga nasawi ay dulot ng mga nagbagsakang debris at landslide partikular na mula sa Davao Occidental at Sarangani gayundin sa General Santos City, South Cotabato.

Sa tala nasa 176,186 pamilya o katumbas na 738,386 na mga indibidwal ang naapektuhan ng lindol.

Sa nasabing bilang ay nasa 3,180 pamilya o kabuuang 14,161 katao ang pansamantalang kinukup­kop sa may 37 evacuation centers habang ang iba ay nanunuluyan muna sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

EARTHQAUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with