MANILA, Philippines — Inilabas ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong resulta ng “Index of Governance” (IOG) survey para sa mga top-performing District Representatives at City Mayors sa Central Visayas.
Sa District Representatives, nanguna sa “Tier 1” sina Cong. Emmarie “Lolypop” Ouano-Dizon ng Mandaue City na may 87.8%, Cong. Junard “Ahong” Chan ng Lapu-Lapu City (87.3%), Cong. Karen Garcia-Cebu 3rd District (85.2%), at Cong. Daphne Lagon-Cebu 6th District (83.5%).
Kabilang sa second-tier sina Cong. Rhea Gullas (86.9%), Cong. Edu Rama (86.4%), Cong. Duke Frasco (84.8%), Cong. Edsel Galeos (82.7%), Cong. Patsy Calderon (82.2%), at Cong. Sun Shimura (80.7%).
Sa hanay ng City Mayors, nanguna sa “Tier 1” sina Mayor Thadeo Jovito “Jonkie” Ouano ng Mandaue City (85.2%), Mayor Samsam Gullas ng Talisay City (84.7%), at Mayor Cindi Chan ng Lapu-Lapu City (83.5%).
Sumunod sina Mayor Nestor Archival ng Cebu City (81.9%), Mayor Joie Perales ng Toledo City (81.1%), Mayor Val Chiong ng Naga City (79.1%), Mayor Jane Yap ng Tagbilaran City (77.7%), Mayor Mayel Martinez ng Bogo City (75.2%), Mayor Nito Durano ng Danao City (71.8%), at Mayor Patrick Barcenas ng Carcar City (70.7%).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, layunin ng survey na masukat hindi lamang ang popularidad ng mga opisyal kundi pati ang aktuwal na kalidad ng kanilang pamamahala, accessibility, responsiveness, at kumpiyansa ng publiko.
Isinagawa ang survey mula Abril 1-8, 2026 gamit ang face-to-face interviews sa 5,000 respondents.