^

Bansa

Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Hindi tayo magpapaapi

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Hindi tayo magpapaapi
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. leads the 82nd anniversary of the "Araw ng Kagitingan" or Day of Valor at Mount Samat National Shrine in Pilar, Bataan on April 9, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ang kasalukuyang banta sa Pilipinas na maaaring magdulot ng sakit sa mga Filipino ay hindi katanggap-tanggap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa ika-82 anibersayo ng Araw ng Kagitingan sa Mount Samat Shrine sa Pilar, Bataan sinabi ng Pa­ngulo na hindi dapat magpalupig ang mga Filipino sa iba.

“Ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap. Hindi makatuwiran o makataru­ngan, lalo na sa panahong ito ng payapang pakikipag-ugnayan ng mga bansa,” sinabi pa ng punong ehekutibo.

Tulad na lang anya ng pinamalas ng ating mga dakilang ninuno ay hindi rin tayo dapat magpasupil at magpagapi, lalo na sa loob ng ating sariling bakuran.

Pahayag pa ng Pa­ngulo, nawa ay mapagkunan pa itong pang ibayong kamalayan, tapang, at lakas ng loob at higit sa halat ay patuloy nitong pagtibayin ang ating pagkakaisa at ang pagiging makabansa.

Kasabay nito, sinaluduhan din ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na patuloy na dumidipensa sa teritoryo ng Pilipinas.

Siniguro pa niya na ang kasalukuyang Armed For­ces ay patuloy sa kanilang matapat na serbisyo ng pagbabantay sa seguridad at soberenya ng bansa.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with