^

Bansa

Panukalang supplemental budget suportado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Para mapunan P9 bilyong pondo ng 4Ps

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon sa panukala na magpasa ng supplemental budget upang mapunan ang P9 ­bilyon kakulangan sa pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ang kakulangan ay resulta ng ginawang pagbawas umano ni Sen. Imee Marcos sa pondo ng programa noong 2023 na nagkakahalaga ng P13 bilyon na inilipat sa ibang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang panukala ay isinusulong ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez upang punan ang kakulangan ng pondo para sa nalalabing 843,000 pamilya o tinatayang 4 na milyong Pilipino na hindi pa nabibigyan ng ayuda sa ilalim ng programa.

Nauna ng inakusahan ni Bongalon si Sen. Marcos na naglipat ng P13 bilyon pondo mula sa 4Ps sa ilalim ng 2023 national budget, bilang dating pinuno ng Se­nate Finance sub-committee na nangangasiwa sa pondo ng DSWD.

“The longer the deficit stays, the more we deprive these 4 million poor Filipinos of a fighting chance to triumph over poverty. This program is meant to help poor Filipinos for a certain number of years, to help them in their daily needs and sending their children to school,” ayon pa kay Bongalon.

Binigyan-diin ni Bongalon na kung magkakaroon ng agwat ang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay maaapektuhan ang layunin ng batas na mabawasan ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.

Ang 4Ps ay hindi isang ordinaryong programa ng DSWD kundi saklaw ito ng Republic Act (RA) No. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act na ang layunin ay mabawasan ang kahirapan sa bansa.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with