^

Bansa

Mandatory training sa ‘kamote’ riders bago makabili ng motorsiklo, isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mandatory training sa �kamote� riders bago makabili ng motorsiklo, isinulong
Around 200 motorcycle riders pass by Roxas Boulevard as they gather together for the One Ride event on September 17, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. JV Ejercito na bubuhayin ang kanyang panukalang batas na nagtutulak sa mandatory na pagsasanay ng mga motorcycle riders sa gitna ng paglaganap ng tinatawag niyang “kamote” riders.

Pinuna ni Ejercito na dumarami na ang mga makukulit na nagmo-motor.

“Marami na ngayon ang tinatawag na kamote. Yan yung mga makukulit na nagmo-motor. Akala mo nangangarera lagi. Magulo sa kalye,” ani Ejercito.

Ginawa ni Ejercito ang pangako kasunod ng pagkamatay ng isang binatilyo sa isang “moto-tourism event” sa Bohol noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Ejercito, na lumahok sa event, na sakay ng motorsiklo ang binatilyo nang bigla itong tumawid sa landas na nakalaan para sa moto-tourism event, dahilan upang mabangga siya ng isa sa mga kalahok.

Ang binatilyo, na walang suot na helmet ayon kay Ejercito, ay namatay isang araw matapos ang aksidente, habang ang rider na nakabangga sa kanya ay kailangang operahan dahil sa mga pinsala.

Naniniwala si Ejercito na maiiwasan sana ang mga aksidenteng tulad nito.

Nais ni Ejercito na ipatupad ang mandatory training bago makabili ng motorsiklo ang isang indibiduwal.

Subukan natin ang mandatory training, kung saan dapat may certificate ka para sa basic training at riding skill bago ka makabili ng motorsiklo. Siguro dapat unahin natin ito dahil dumarami ang motorcycle riders,” ani Ejercito.

Napaulat na sa datos na inilabas ng Land Transportation Office (LTO) ay mayroong humigit-kumulang 8.1 milyong motorsiklo sa bansa noong Disyembre 31, 2021.

vuukle comment

JV EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with