^

Bansa

NSC nagbabala sa posibleng panghihimasok ng mga dayuhan sa 2025 mid-term polls

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang isang opisyal ng National Security Council (NSC) hinggil sa umano’y posibleng panghihimasok ng mga dayuhan sa 2025 National and Local Elections (NLE) sa bansa.

Ang babala ay ginawa ni NSC assistant director general Jonathan Malaya matapos akusahan ng Estados Unidos at ng dalawa pang kaalyado nito ang China na nasa likod ng serye ng hacking sa mga mambabatas at mga pangunahing democratic institution sa bansa, na mariin naman nitong pinabulaanan.

Tinukoy rin naman ni Malaya ang ulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa sunud-sunod na cyberattacks na mula sa mga foreign sources.

Ayon kay Malaya, dahil panahon ng halalan ngayon ay dapat na ring simulan ang paghahanda kung paano poprotektahan ang integridad ng halalan mula sa cyberattacks.

Nabatid mula kay Malaya na nakipag-ugna­yan na rin ang kanilang ahensiya sa DICT upang ­paghandaan ang midterm polls laban sa anumang panghihimasok ng mga dayuhan.

Aniya, bahagi ng kanilang preparasyon ang pag-secure sa mga election database mula sa hacking at pagbabantay sa transmission ng resulta ng halalan upang masigurong hindi ito maisasailalim sa anumang cyberattack.

Dagdag pa ni Malaya, nais rin nilang protektahan ang panahon ng kampanyahan laban sa anumang fake news o disinformation.

vuukle comment

NATIONAL SECURITY COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with