^

Bansa

DFA ipinatawag Chinese envoy sa Ayungin encounter

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
DFA ipinatawag Chinese envoy sa Ayungin encounter
Binigyang-diin ng DFA na ang China ay walang karapatan na mapunta sa Ayungin Shoal, isang low-tide elevation na nasa loob ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas alinsunod sa 1982 UNCLOS at ayon sa pinagtibay ng 2016 Arbitral Award.
DFA FB Page

MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes ang mga opisyal ng Chinese Embassy para ipahayag ang protesta ng Pilipinas sa “agresibong aksyon” ng China Coast Guard at ng maritime militia nitong Sabado laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Binigyang-diin ng DFA na ang China ay walang karapatan na mapunta sa Ayungin Shoal, isang low-tide elevation na nasa loob ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas alinsunod sa 1982 UNCLOS at ayon sa pinagtibay ng 2016 Arbitral Award.

“[T]he Philippines stressed, among others, that China has no right to be in Ayungin Shoal, a low-tide elevation that lies within the Philippines’ exclusive economic zone and continental shelf in accordance with the 1982 UNCLOS and as affirmed by the 2016 Arbitral Award,” nakasaad sa statement ng DFA.

Inatasan si DFA Deputy Assistant Secretary Raphael Hermoso na ipatawag ang Charge d’Affaires ng Chinese Embassy na si Zhou Zhiyong para maghain ng protesta, habang si DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro ay nakipag-usap sa telepono kay Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong para ipahayag ang galit ng Pilipinas sa insidente.

Ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing ay inatasan din na magsampa ng parehong demarche sa Chinese Ministry of Foreign Affairs.

Ang Pilipinas, sa pinakahuling protesta nito, ay muling iginiit na ang mga sasakyang pandagat ng China ay dapat na “agad na umalis sa paligid ng Ayungin Shoal at ang exclusive economic zone ng Pilipinas.”

Sinabi rin ng DFA na hindi katanggap-tanggap ang patuloy na pakikialam ng China sa legal na gawain ng Pilipinas sa sarili nitong eksklusibong economic zone. Lumalabag din ang China sa mga karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with