^

Bansa

Gibo: Pag-angkin ng China sa South China Sea, propaganda

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Gibo: Pag-angkin ng China sa South China Sea, propaganda
An aerial view taken on March 9, 2023 shows Philippine ship BRP Sierra Madre grounded on Ayunging Shoal (Second Thomas Shoal) in the South China Sea.
AFP / Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na propaganda lamang ang pagbabanta na ginawa ng China sa Pilipinas matapos ang pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal nitong Sabado.

Nabatid na nagbabala ang China sa Pilipinas na paghandaan ang posibleng kahinatnan hinggil sa umano’y iligal na aksyon ng bansa sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Teodoro na propaganda lamang ang pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea dahil maliban sa wala itong basehan ay wala namang bansa ang naniniwala sa kanilang kasaysayan.

Kasunod nito, nanawagan ang kalihim na magkaisa ang mga Pilipino para igiit ang soberenya at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea alinsunod sa UNCLOS at international laws.

Hanggat sumusunod sa international law ang Pilipinas, wala dapat na ikabahala ang bansa sa tulong na rin ng iba pang bansa.

Ang pambu-bully aniya ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas ay indikasyon ng kanilang takot.

Nakakalungkot lamang aniya na sa pangha-harass ng CCG may nasasaktan na sundalo.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with