^

Bansa

Iba pang OFW lounge sa NAIA ipinamamadali na ni Romualdez

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Iba pang OFW lounge sa NAIA ipinamamadali na ni Romualdez
Dagdag pa ng OWWA chief, hindi lang sa NAIA terminals magtatayo ng lounge dahil gusto umano ni Speaker na lagyan din sa iba pang mga airport tulad sa Cebu at Davao.
Walter Bollozos / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Matapos mabuksan ang OFW lounge sa NAIA Terminal 1 noong ilang buwan na ang nagdaan, pinapamadali na rin ngayon ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng mga OFW lounge sa NAIA Terminal 3 at Terminal 2.

Ito ang kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) Arnel Ignacio kamakailan.

Aniya, “successful ang OFW lounge sa terminal one dahil laging puno ito kaya gusto ni Speaker Romualdez magbukas na rin kami sa NAIA 2 at 3”.

“Pondo ng Office of the Speaker ang ginamit sa unang lounge at sabi n’ya siya na rin bahala sa iba pang lounge”, ayon kay Administrator Ignacio.

Dagdag pa ng OWWA chief, hindi lang sa NAIA terminals magtatayo ng lounge dahil gusto umano ni Speaker na lagyan din sa iba pang mga airport tulad sa Cebu at Davao.

Sa isa namang panayam sinabi ni Romualdez na ito raw ang gusto ni Pangulong Marcos.

Gusto anya ng Pangulo na bago lumipad pabalik sa trabaho ang mga OFW natin, ay makapag- relax sa mga lounge dahil mahaba ang biyahe nila.

“Building these OFW lounges is our way of thanking our OFW dahil sa malaking tulong nila sa ekonomiya natin,” wika niya. “At hindi lang ito ang tulong ng admi­nistrasyon sa kanila, marami pa”.

vuukle comment

NAIA

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with