^

Bansa

Teves, arestado sa Timor Leste habang naggo-golf

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Teves, arestado sa Timor Leste habang naggo-golf
This photo shows Rep. Arnolfo Teves Jr. (Negros Oriental, 3rd District).
Facebook / Congressman A. Teves

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naaresto na ng mga awtoridad sa Timor Leste si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr.. Si Teves ang itinuturong ‘utak’ umano sa pagpatay sa 10 katao sa Negros Oriental kabilang si Gov. Roel Degamo.

Sa ulat ng DOJ ­kamakalawa ng gabi, nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon kamakalawa nang madakip si Teves habang naglalaro ng golf sa Top Golf Driving Range and Bar sa Dili.

Anang DOJ, naging posible ang pag-aresto kay Teves sa collaborative efforts ng mga law enforcement agencies, kabilang ang International Police (INTERPOL) National Central Bureau (NCB) sa Dili, at sa koordinasyon ng East Timorese Police.

“Today’s apprehension of Teves is a testament to the power of international cooperation. It sends a clear message that no terrorist can evade justice and that nations stand united in safeguarding the safety and security of their citizens,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Nakikipag-ugnayan na umano ang mga awtoridad ng Pilipinas sa mga awtoridad ng East Timor para maibalik sa bansa si Teves.

“Face your long-delayed trial without setting any conditions, face the courts squarely,” ayon kay Remulla.

Marso 2023 habang namamahagi ng ayuda sa mga residente si Degamo sa loob ng kanyang tahanan sa Pamplona, Negros Oriental nang bigla na lang dumating ang mga ‘di kilalang salarin at pagbabarilin ang mga tao na naroon pati na ang ­gobernador.

Nasawi si Degamo at siyam na iba, habang marami pa ang nasugatan.

May kinakaharap ding kaso si Teves sa hiwalay na pagpatay sa tatlong tao sa Negros Oriental noong 2019.

Nang mangyari ang masaker, nasa labas ng bansa si Teves at hindi na umuwi ng Pilipinas. Hanggang sa matukoy na nasa East Timor siya at ­humihiling ng asylum.

Noong Agosto 2023, idineklara si Teves na ­terorista ng Anti-Terrorism Council, kasama ang 11 iba pa.

Pinatalsik din siya ng liderato ng Kamara bilang kongresista dahil sa hindi na niya nagagampanan ang kaniyang trabaho bilang mambabatas.

Dati nang itinanggi ni Teves ang mga alegasyon laban sa kaniya. Iginiit din niya na may banta umano sa kaniyang buhay.

Nitong nakaraang Pebrero, inilagay si Teves sa red notice list ng Interpol, isang kahilingan upang hanapin ang isang tao na may kinakaharap na kaso at arestuhin para maiuwi sa kaniyang bansa.

Nangyari ang pag-aresto ilang araw matapos na gunitain ang unang taong anibersaryo ng masaker, na naganap noong Marso 4, 2023.

vuukle comment

DOJ

TEVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with