^

Bansa

1 pang bettor namuhunan ng P90 milyong, nalo ng P600 milyong jackpot

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
1 pang bettor namuhunan ng P90 milyong, nalo ng P600 milyong jackpot
The Senate Subcommittee on Games and Amusement on March 18, 2024 holds a hearing on the recent discovery of a lone Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bettor who allegedly won multiple times.
Photo by Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Senator Raffy Tulfo sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement na may isang individuwal na nanalo sa lotto ng mahigit sa P600 milyon matapos tumaya sa tatlong lotto outlets at mamuhunan ng nasa P90 milyong taya.

Tinukoy ni Tulfo na sa Binondo nangyari ang pagtaya sa lotto kung saan gumamit ng tinatawag na System 12 ang nasabing indibiduwal.

“Nag-invest siya ng 90 million at nanalo siya ng P600 million at ang tinaya niya ay System 12. So again, one person may-ari siya. Maybe siya ang may-ari, maybe hindi. Parang nag-invest siya ng P90 million, tig-P30 million each outlet na siya ang may-ari... This is in Binondo area,” ani Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na hindi malinaw kung agent o talagang sugarol lamang ang nasabing indibiduwal.

“Hindi ko alam kung agent ito o tao ito nag-invest siya o isang tao lang or suragol nag-invest ng P90 milyon,” ani Tulfo.

Sa tatlong magkakahiwalay na outlet aniya tumaya ng System 12 sa lotto ang nasabing indibiduwal.

Pero aminado si Tulfo na walang ilegal kung tumaya ng maraming beses sa System 12 ang isang mananaya.

“Sa system 12 kasi hindi uulit ‘yun eh. Hindi uulit so although wala akong nakikitang ilegal doon…ang isang tao tatayaan niya lahat ng numero possible combination para bumalik ‘yung taya niya plus may tubo pa siya,” ani Tulfo.

Pero ang nakikita lamang aniyang problema ni Tulfo ay ang pagtaas ng premyo na nadagdagan ng P500 milyon kaya umabot sa P600 milyon ang jackpot.

Ipinaliwanag naman ni PCSO general ­manager Mel Robles na ang lotto jackpot ay hindi agad napanalunan kaya ito ay tumataas.

Kuwestiyunable pa rin kay Tulfo ang biglang pagtaas ng nasabing jackpot pero hindi niya tinukoy kung kailan ito nangyari.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with