'Pisikalan sa simbahan': Pari suspendido matapos makaalitan obispo sa Tondo
MANILA, Philippines — Suspendido at pinagbawalang magbigay ng banal na sakramento ang isang pari matapos makainitan ang isang obispo sa loob mismo ng church office sa Tondo, Maynila kamakailan.
Sa video na ito, makikitang nagkakapisikalan sina Rev. Fr. Alfonso Valeza at Novaliches Bishop Antonio Tobias. Iginigiit daw kasi ni Valeza na natanggal siya sa St. Joseph Parish of Gagalingan matapos ireklamo ang ilang "tiwaling pari."
Giit pa niya, dito na nauwi ang insidente sa "pananakal" sa kanya ni Tobias.
"Nabigla ako kasi talagang sinakal ako dito na napakahigpit [ni Tobias]," ani Valeza, parochial administrator ng naturang parokya, sa panayam ng GMA News nitong Miyerkules.
"Sabi nya sa 'kin, 'Hindi may decision na, lumayas ka na dito...
Parang mayroong nag-petition letter laban sa akin kaya sabi ko bigay niyo sa amin yung petition letter, because it is our right."
Natumba sa sahig si Valeza matapos ang diumano'y pananakal. Makikikta rin sa CCTV footage ang isang babae na sinusubukang pumagitna ngunit tinulak din ni Tobias ang nabanggit.
'Walang nanakal, pina-pacify lang siya'
Nagsalita naman para kay Tobias ang Catholic Bishops Concernce of the Philippines (CBCP) matapos ang insidente, ngunit iginiit nitong hindi pananakit ang pakay ng obispo.
"Ayon nga, parang nagwawala si Father Al, parang hindi naman siya sinasakal. Parang pina-pacify siya ni bishop," ani Fr. Jerome Secillano, tagapagsalita ng CBCP.
"For some reason, the interpretation was sinasakal."
Dagdag ng ulat, tinanggal talaga si Valenza dahil sa dalawang taong hindi pagsunod sa utos ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na sumailalim sa counseling.
Ang direktiba ay sinasabing resulta ng "unstable personality" ng pari.
Bawal munang magsilbing pari
"Because of his persistent defiance to the Archbishop of Manila despite orders and warnings, Fr. Valeza is likewise suspended from exercising priestly faculties effective 5 June 2024," ayon sa pahayag ng The Roman Catholic Archdiocese of Manila - Office of Communications ngayong Huwebes.
"He is therefore prohibited from administering the sacraments. Any sacrament he administers is illicit."
Cardinal Jose Advincula has suspended Fr. Alfonso Valeza from all priestly activities “because of his persistent defiance” of the Manila archbishop. “He is therefore prohibited from administering the sacraments. Any sacrament he administers is illicit,” said the archdiocese. pic.twitter.com/EfQJaTlOOJ
— CBCPNews (@cbcpnews) June 6, 2024
Hinikayat ng Archbishop of Manila na ang mga mananampalataya na sumunod sa naturang desisyon at makipagtulungan sa administrasyon ng parokya sa ngayon.
- Latest